Sa Mandatory Training na inilunsad para sa mga bagong halal na mga opisyales ng Sangguniang Kabataan sa lahat ng mga barangay ng Bayan ng Calumpit ay ipinaabot natin ang ating pagbati sa lahat ng mga dumalo at aktibong nakibahagi sa mahalagang gawaing ito.

Hangad ko na ang lahat ng inyong mga natutunan sa training na ito ay baunin ninyo at gawing gabay sa inyong panibagong tungkulin at obligasyon bilang mga lingkod-bayan lalo na sa mga kabataang inyong nasasakupan. Laging bukas ang pintuan ng ating tanggapan sa mga lider-kabataan nating tagapagmana ng ating Bayan ng Calumpit at ng binhi ng pagbabagong inihahasik at itinatanim natin sa kasalukuyan.

Hinahamon natin ang ating mga bagong halal na SK officials na maging kabahagi ng pagtahak natin sa landas ng tunay at ganap na pagbabago para sa ating bayan at para sa ating mga kapwa CalumpiteƱo. Mabuhay kayong lahat!

source: Lem Faustino