April 17, 2023

VAN ARALAN NG CALUMPIT, AARANGKADA NA!

Sa pagtitiyak ng ating butihing Mayor Lem Faustino na maibigay ang karapat-dapat para sa mga Calumpiteรฑo ay aarangkada na sa kauna-unahang pagkakataon ang CALUMPIT VAN ARALAN na MULA SA BUWIS NG MAMAMAYAN NG CALUMPIT sa susunod na mga araw. Ito ay iikot sa mga Baranggay upang matiyak na magkaroon ng pagkakataon na maitaas ang antas ng kahusayan ng mga batang Calumpiteรฑo na may mataas na pangarap sa buhay. Kasama sa aabutin ng serbisyo nito ang mga SPED students at out of school youth dito sa ating bayan.
Ang Calumpit Van Aralan ay isang Modern Mobile Educational Vehicle.Ito ay air conditioned van na kumpleto sa kagamitan kagaya ng mga computer, printer, chairs, tables, TV monitor at projector. na kailangan ng mag-aaral.
 
Ayon sa ating butihing Mayor Lem Faustino, ang Calumpit Van Aralan ay bunga ng kanyang pangarap na pangarap din ng lahat ng magulang na nagnanais matiyak na magkaroon ng dekalidad na edukasyon ang kanilang mga anak. Nais din niyang masiguro na 100% niyang maibigay sa mamamayan ng Calumpit ang bunga ng ating pagbabayad ng buwis.
 

van aralan updates

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: ๐‚๐€๐‹๐”๐Œ๐๐ˆ๐“ ๐•๐€๐ ๐€๐‘๐€๐‹๐€๐, ๐”๐Œ๐€๐‘๐€๐๐†๐Š๐€๐ƒ๐€ ๐๐€!
๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘

๐‘€๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž๐‘”๐‘ข๐‘š๐‘๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘ข๐‘›๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘๐‘Ž๐‘”-๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘˜๐‘Ž๐‘‘๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐ถ๐‘Ž๐‘™๐‘ข๐‘š๐‘๐‘–๐‘ก ๐‘‰๐‘Ž๐‘› ๐ด๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘› ๐‘›๐‘”๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘ค ๐‘›๐‘” ๐‘†๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘‘๐‘œ, ๐ป๐‘ข๐‘›๐‘ฆ๐‘œ 17, 2023.
Masayang sinalubong ng mga magulang at mga bata ang pagdating ng Calumpit Van Aralan kaninang umaga sa unang serye ng pag-arangkada nito, sa pangunguna ng ating butihing Mayor Lem Faustino katuwang ang ating masisipag at mahuhusay na PYA at BSF Volunteers sa pamumuno ng ating LYDO Head na si G. Dustine Cabides. Isa din sa mga volunteer ng Calumpit Van Aralan ay si Ate Ap Santiago na isang Occupational Therapist mula sa Brgy. Meyto.
 

Naging highlight ng serbisyong kinakaloob ng Calumpit Van Aralan, ang pagtuturo ng mga volunteers ng simpleng pagbi-bake ng cookies para sa mga bata at maging ang mga magulang ay nakibahagi na din.

Tiniyak naman ng ating Punong Bayan na ang Calumpit Van Aralan ay patuloy na iikot sa 29 na barangay ng ating bayan upang makapaghatid ng serbisyong pang edukasyon para sa ating mga kabataang Calumpiteรฑo lalo na sa mga kabataang physically at mentally challenged sapagkat ito ay isa sa kanyang mga pangarap, ang maitaas ang antas ng edukasyon sa ating bayan.
Abangan ang mga susunod na serye ng pag-arangkada ng nag-iisa at kauna-unahang Van Aralan sa ating bayan!

Balitang PYA!

June 17, 2023

Nagsimula nang maglakbay ang Van-aralan patungo sa ibat-ibang barangay at una nang pinuntahan ang Baranggay ng Meyto.
Katuwang na rin ang United Bulacan Eagles Club (UBEC), Pag-asa Youth Association (PYA), BSF Calumpit, at ang mga opisyales ng Baranggay Meyto.
 
 
 
Balitang PYA!
ย 
Isinagawa ang isang Matagumpay at Makabuluhang paglulunsad ng kaunaunahang VAN ARALAN sa Bayan ng Calumpit sa Brgy. BUGUION sa Pangunguna ng ating butihing Mayor Glorime “Lem” Faustino katuwang ang bumubuo ng Pag-Asa Youth Association Calumpit sa pagagapay ni Ma’am Ap Santiago isang Occupational Therapist. Layunin nito na matulungan at mapaunlad ang edukasyong pang akademiko ng mga kabataan lalo na para sa ating mga OSY o Out of School Youth upang matulungan sila na matuto at magkaroon ng maganda at matibay na kinabukasan.
ย 
Sama-sama nating abangan ang paglibot ng VanAralan sa buong BAYAN NG CALUMPIT!
ย 
Tuloy-tuloy na pag-arangkada ng ating Calumpit Van Aralan na ang hatid ay kaalaman para sa ating mga kabataang Calumpiteรฑo!
Ang ating Calumpit Van Aralan na ngayon na kasalukuyang nasa Brgy. San Jose, ay sa pangunguna ng ating masisipag na mga volunteers mula sa Pag-asa Youth Association ng ating bayan ng Calumpit sa pamumuno ng ating mahusay na Local Youth Development Office Head, Mr. Dustin Cabides.
ย 
ย 
Ang kauna unahang Mobile Educational Classroom sa buong Bulacan ay magsisimula ng umarangkada!
Sa inisyatibo ng ating masipag at mahusay na Punong Bayan, Kgg. Glorime M. Faustino, katuwang ang Pangalawang Punong Bayan Dr. Zar Candelaria at ang bumubuo ng Sangguniang Bayan, ang bayan ng Calumpit ay nagkaroon ng CALUMPIT VAN ARALAN , kung saan kay daming matututunan habang nasa lansangan at maghahatid ng mga bagong kaalaman sa mga musmos na mamamayan.