October 18, 2023

USAPING PALENGKE NAMAN TAYO.

Ngayong araw ng Miyerkules, ika 18 ng Oktubre 2023, ay pinulong ng ating butihing alkalde, Mayor Lem Faustino ang mga store owners, renters, vendors at ang mga opisyales ng ating palengke upang ipaliwanag at sagutin ang mga agam agam tungkol sa kasalukuyang pagpapagawa ng bagong palengke.

Layunin ni Mayor Lem Faustino na magbigay ng kapanatagan na hindi maaalis o maantala ang operasyon ng mga nakapwesto sa palengke sa kasalukuyan, at kung may ilan mang tatamaan ng konstraksyon, ay may siguradong malilipatan pansamantala ang mga apektadong manininda habang isinasaayos ito.

Ipinakita at ipinaliwanag din ni Mayor Lem Faustino ang disenyo at sistema ng bagong palengke kung saan, mas magiging malaki at kumpleto ang bagong palengke, na magbibigay ng mas malaking kita para sa mga manininda, convenience para sa mga mamimili, at revenue para sa Bayan ng Calumpit