Malugod nating ibinabalita na sa ating pagtutulungan at patnubay ng Panginoong Diyos ay TAPOS NA ang ipinapagawa nating modernong pumping station sa Barangay Corazon. Ang proyektong ito na mula sa pondo ng ating mga kababayan ay isa sa mga PANGMATAGALAN at PERMANENTENG solusyon na bahagi ng ating misyon upang maibsan ang matinding pagbahang nararanasan nating mga Caumpiteño tuwing sasapit ang panahon ng kalamidad.
Sa loob ng 20 years, bukod sa matagal nang hindi ito nagagamit dahil sa mga sira bunsod ng kalumaan nito ay malaking bahagi ng ating pondo ang nawawala dahil sa matinding maintenance at malaking konsumo sa gasolina para patakbuhin ang ating pumping station.
Dahil kuryente na ang magpapagana ng ating bagong pumping station, mas epektibo, episyente at higit na makakatipid ang ating Pamahalaang Bayan sa pagpatakbo ng proyektong ito. Sa ngayon ay hinihintay na lamang natin na maikabit ng MERALCO ang power supply ng ating pumping station para mapagana at magamit na natin ang proyektong ito na may malaking pakinabang para sa mga Calumpiteño.

#MissionLEMpossible
#SulongCalumpit

source: Lem Faustino