Dahil nasa Pamahalaang Bayan na at mamamayan ng Calumpit ang pagmamay-ari ng lupang ipinagtatayuan ng ating BAGO at MODERNONG “EL MERCADO DE CALUMPIT” ay inaasahan nating matatapos na ito ngayong Disyembre 2024. Sa matagal na panahong umuupa lamang tayo sa Simbahang Katoliko para sa ating Pamilihang Bayan, ngayon ay inaasahan nating magbubukas ng MAS MARAMING OPORTUNIDAD NA TRABAHO AT NEGOSYO PARA SA MGA CALUMPITEÑO. Unti-unti na nating maisasakatuparan ang misyon na maibigay natin na maitaas natin ang antas ng pamumuhay ng bawat Calumpiteño.

Makatitiyak tayo na ang ating palengke at lahat ng mga magagandang proyektong ating isinasagawa ay nakaayon sa Building Code at mga local regulations and standards. PASADO rin ang ating mga ginagamit na materyales sa mga quality testings at tayo po ay nakatutok dito.
Dahil po sa tiwalang ibinigay ninyo, naging POSIBLE ang ating misyon para sa ikaaayos at ikauunlad ng ating Bayan ng Calumpit.

#MissionLEMpossible
#SulongCalumpit

 
source: Lem Faustino