Ang Calumpit Municipal Hall ang nagsisilbing mukha at tahanan ng bawat isang Calumpiteño na representasyon ng ating dangal bilang isang bayan. Kung kaya’t minabuti ng inyong Pamahalaang Bayan na sikaping mapaganda ang ating munisipyo upang MAITAAS ANG ANTAS NG ATING PAGLILINGKOD AT PAGBIBIGAY SERBISYO SA ATING MGA KABABAYAN.

Mula sa dating kalagayan nito dahil sa labis na kalumaan na marami nang tagas, butas at anay, pinagsikapan nating gawing maaliwalas, maayos at malinis ang sentro ng ating mabuting pamamahala. Sa ganitong paraan, mas higit nating mailalapit ang ating gobyerno sa mga Calumpiteño sa pamamagitan ng DE-KALIDAD AT TAOS SA PUSONG PAGLILINGKOD ng lahat ng mga kawani ng ating munisipyo.

Bukod sa ating munisipyo, isinabay na rin natin ang pagsasaayos ng ating Police Station at ipinagmamalaking Sergio Bayan Park na madadadgan pa ng ipinapatayo nating Multi-Purpose Hall sa ating mismong Municipal Ground na COMPLIANT sa mga probisyon ng National Building Code.

#MissionLEMpossible
#SulongCalumpit

 
source: Lem Faustino