Unity Walk Prayer Rally and Signing of Peace Covenant

Matagumpay na naidaos ang BSKE Unity Walk Prayer Rally and Signing of Peace Covenant na ginanap ngayong araw, Setyembre 28, 2023 sa St. John de Baptist Church na sinumulan naman sa Sergio Bayan Park sa ating Municipal Compound. Ito ay dinaluhan ng mga aspiring Baranggay Leaders na naghahangad na makapaglingkod sa kani-kanilang mga barangay.

Layon ng aktibidad na ito ang pagkakaroon ng pagkakaisa ang mga kandidatong lalahok sa BSKE 2023 at ng isang mapayapang halalan sa ating Bayan ng Calumpit.

Ang nasabing aktibidad na ito ay sa pangunguna at pagtutulungan ng Comelec Calumpit, DILG Calumpit, PNP Calumpit MPS at PPCRV.

Ito ay dinaluhan din ni Atty. Mona Ann T. Aldana-Campos, Provincial Election Supervisor IV ng Comelec ng ating Lalawigan ng Bulacan.

Dito ay naging tagapagsalita ang ating butihing Mayor Lem Faustino, kung saan kanyang hiniling sa mga kandidato na isantabi ang pamumulitika at bagkus ay maging bahagi ng pagkakaisa at pag-unlad ng ating bayan.

#BayanNgCalumpit
#MayorLEMFAUSTINO

source: BAYAN NG CALUMPIT