UNANG ISANDAANG ARAW: ANG UMPISA NG TUNAY NA PAGBABAGO
Nitong ika-10 ng Oktubre 2022 ay idinaos ang pag-uulat ng unang isandaang araw ni Mayor Glorime “Lem” Faustino na ginanap sa Covered Court ng Calumpit Municipal compound.
Sa kanyang pag-uulat ay kaniyang ibinahagi ang unti-unti nang pagkakaroon ng katuparan ng kanyang mga pangarap para sa lahat ng mga Calumpiteño at sa kanyang mahal na bayan ng Calumpit. Lahat ng ito ay dahil na din sa lahat ng taong naniniwala at palaging handang samahan s’ya sa bawat hakbang upang makamit ang dakilang layunin na nais n’yang maisakatuparan para sa kanyang nasasakupan sa kabila ng higit pa lamang sa tatlong buwan simula ng siya ay manungkulan bilang Punong Bayan ng Calumpit.
Narito ang ulat na kanyang ibinahagi at iprinisinta na napagtagumpayan sa loob lamang ng 100 araw ng kanyang panunungkulan.
RIVER CLEAN UP
Sinisimulan na ang river clean up sa mga kailugan. Ito ay inuumpisahan ng linisin at asahan na ito ay tuloy-tuloy upang mabigyang daan ang malayang pagdaloy ng ilog at maging kaaya-aya dahil ang pangarap dito ni Mayor Lem Faustino ay maging Tourist Spot.
Nais din ni Mayor Lem Faustino na magkaroon ng mga Floating Restaurant at hihikayatin niya din umano ang mga local na nakatira malapit sa kailugan na makapagtayo ng kanilang maaaring pagkakitaan upang mas dayuhin pa at mas maging tourist destination pa ang Bayan ng Calumpit.
PAGKALAP NG DAGDAG NA AYUDA AT RELIEF GOODS
Sa pagsusumikap ni Mayor Lem ay nabiyayaan ng relief goods ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce Industry Incorporated (FCCCII) bilang dagdag na ayuda matapos manalasa ang bagyong Karding. Ayon pa sa kay Mayor Lem Faustino, ang Pangulo ng FCCCII ay personal na sinabi ng magpasa ng request letter sa kanya upang ang bayan ng Calumpit ay mapagkalooban nila ng School Building.
Ayon kay Mayor Lem, Ito ay sa tulong ng isa sa matalik niyang kaibigan na si Paul Cabrera.
PROGRAMA PARA SA PABAHAY
Dahil isa sa 10 misyon ni Mayor Lem ang pabahay, kaniya ring binalita sa kanyang ulat na ang programa para sa pabahay ay umuusad na.
Tututukan ito para mabilis na matugunan ang problema sa pabahay ng mga Calumpiteño lalong-lalo na sa mga nakatira sa danger zones at sa mga bahay na di na iniiwan ng baha. Dahil na din ito sa personal na magkaibigan si Mayor Lem at ang kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development O DHSUD.
SAPANG BAYAN BRIDGE
First order of business ng panunungkulan ni Mayor Lem na gumawa ng paraan para maisaayos at maumpisahan ang Sapang Bayan Bridge na para sa kanya ay bahagi ng kasaysayan ng bayan ng Calumpit bilang sagisag ng pagtawid tungo sa mas maliwanag na bukas para sa mga Calumpiteño.
Ang nais ni Mayor Lem ay maging MAS MATIBAY at MAS MALAPAD ang tulay. Lalagyan din umano ito ng mga ilaw at pipinturahan upang mas maging ligtas ang mga dumadaan dito.
MAYOR’S OFFICE RENOVATION
Kung kayo ay napasyal sa munisipyo ng Calumpit, makikita ninyo ang bagong Mayor’s Office. Ginawa itong mas kaiga-igaya para sa lahat at para sa mga may transaksyon sa opisina ng Punong Bayan.
Unang bahagi pa lamang ito sa tuloy-tuloy na pagsasaayos sa municipal building para sa maaliwalas at mabilis na pagproseso ng mga kailangan ng mga Calumpiteño.
LIBRENG DIALISYS CENTER
Masayang ibinalita ni Mayor Lem na magkakaroon na ng Dialysis Center sa bayan ng Calumpit at ito ay libre para sa mga Calumpiteño.
Sa ilalim ng PPP o Public-Private Partnership, ito ay ilalagay sa bagong multi-purpose building sa tabi ng fishport facility sa barangay Caniogan. Pagkatapos ng mga proseso, ito ay kaagad uumpisan upang mapakinabangan at magamit sa lalong madaling panahon.
PAGBUHAY SA SERGIO BAYAN PARK: BANTAYOG NG KASAYSAYAN NG CALUMPIT
Pagbabalik at muling buhayin ang Sergio Bayan Park, Bantayog ng Kasaysayan ng Calumpit. Bubuhayin at ibabalik natin ang alaala ng kasaysayan na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng hardin, palaruan, kainan, at pasyalan. Ito ay kaniyang paiilawan, upang magbibigay-buhay, kulay, at saya sa lugar sa harap ng ating munisipyo.
Kaugnay nito ay pinalipat na sa pinakaharap ng Municipal Complex ang simbolo na “God Bless Calumpit.” Ito ay pipinturahan at iilawan dahil gusto ni Mayor Lem na ito ay masilayan ng lahat ng dumaraan.
PAGTATAYO NG PUREGOLD AT MC. DONALD’S
Matatandaaan na ang Puregold ay nagkaroon ng kontrata sa nagdaang administrasyon, at sila ay may upa ng 60 pesos per square meter sa loob ng 30 years. At sa pakikipagusap naman ni Mayor Lem sa McDonalds ay sumangayon sila sa mas mataas na upa.
Agarang gumawa ng plano sa development sa lugar na ito ang team ni Mayor Lem Faustino at kanilang imunungkahi sa management ng Puregold at Mc. Donald’s kung saan sa parehong lugar din ito itatayo na mabilis na sinang-ayunan naman ng mga ito ang gustong konsepto ng disenyo na kanilang minungkahi.
Dahil ang nais ni Mayor Lem Faustino ay uniform ang disenyo sa lahat ng magiging development dito sa bayan ng Calumpit bilang pagbibigay pugay sa kasaysayan ng Bayan ng Calumpit.
Dagdag pa ni Mayor Lem na ang lahat ng kalsada, street lighting, entrance façade, landscaping, at lahat ng utilities at development sa lugar na ito ay paghahahatiang gawin ng Puregold, at wala pong gastos na manggagaling sa ating pamahalaang bayan.
PAGPAPALAKI AT PAGSASAAYOS NG DISTRICT HOSPITAL
Masayang ibinabalita ni Mayor ang positibong pagtugon ng ating Governor Daniel Fernando sa kanyang kahilingan na pagsasaayos , pagpapaganda at papalaki ng District Hospital na malaking tulong umano sa mga taga-Calumpit at magbibigay ng pag-angat ng antas ng serbisyong pangkalusugan.
Pagkakaupo pa lamang niya di umano ay kanya na itong pinasurvey at inilapit sa mga ekspertong arkitekto ng mga ospital kung kaya’t ito umano ay mayroon ng preliminary plan na kasalukuyan ng nasa kamay ni Governor Fernando.
PAGPAPAGANDA NG PAMILIHANG BAYAN NG CALUMPIT “EL MERCADO DE CALUMPIT”
Ang pamilihang bayan ng Calumpit ay mas isasaayos at pagagandahin.
Sa pakikipag-usap ni Mayor Lem sa Roman Catholic Church ng Malolos (ang nagmamay-ari ng lupa) ay kaniyang ibinahagi ang pangarap nya na mapaunlad ang antas ng pamumuhay ng mga Calumpiteño sa pamamagitan ng pagsasaayos ng pamilihang bayan at dahil para sa kanya, ang pagsasaayos nito ay magiging isa ito sa mga pangunahing susi sa pag-unlad ng bayan ng Calumpit. Naniniwala din si Mayor Lem na ang proyektong ito ay lilikha ng maraming oportunidad kagaya ng negosyo at trabaho.
Sa proyektong ito ay hihingin nya din ang tulong ng Sanguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Zar Candelaria at ng mga Konsehal.
“Sulong Calumpit, Taas Noo Calumpiteño”