October 16, 2023
 
TURN OVER OF MOBILE PATROL
 
Isa ang Bayan ng Calumpit sa mapalad na pinagkalooban ng mobile patrol ngayong araw ng lunes, 16 ng Oktubre taong 2023, mula sa Philippine National Police upang mas mapalawig at mapabilis ang operasyon at serbisyo ng ating mga kapulisan sa pagresponde sa mga kababayan nating nangangailangan.
Ang seremonya ay ginanap kanina, sa Kampo Heneral Alejo S. Santos, Bulacan Police Provincial Office at nilahukan ni PNP PLTCOL., Nelson M. Sardin na nagreprisenta sa ating Bayan, sa pakikipag ugnayan ng ating alkalde, Mayor Lem Faustino.
Mula po sa Bayan ng Calumpit, Maraming maraming salamat po.