Sa pangunguna ng ating masipag na Ina ng Bayan ng Calumpit, Mayor Glorime “Lem” Faustino at ng mga non-government organizations na Koddi at Leonard Cheshire Disability Philippines Foundation, Incorporated ay ini-award na natin sa mga benepisyaryo nating mga kababayang Persons with Disabilities (PWDs) ang Self Employment and Wage Employment Assistance ngayong araw.
Ang proyektong ito ay naglalayong matulungan ang mga CalumpiteƱong may kapansanan na magkaroon ng regular na kabuhayan at mapagkakakitaan upang maging oportunidad nila na maka-agapay sa araw-araw nilang pamumuhay.
Nagpapasalamat ang buong Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa Koddi at Leonard Cheshire Disability Philippines Foundation, Incorporated para sa makabuluhang proyektong ito para sa ating mga kababayang PWDs. šŸ§”šŸ§”šŸ§”