Nakipag-dayalogo tayo, kasama ang ating buong Sangguniang Bayan sa iba’t ibang mga Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) sa Bayan ng Calumpit upang pag-usapan ang itatayo nating centralized tricycle terminal sa ating El Mercado De Calumpit. Nagpapasalamat tayo dahil naging makabuluhan at malaman ang naging talakayan dahil sa aktibong partisipasyon ng ating mga kasamahan sa sektor ng transportasyon.
Isinagawa natin ang dayalogong ito upang marinig at makuha natin direkta sa ating mga TODA ang kanilang saloobin at mga mungkahi para lalo nating mapaganda at mapaunlad ang proyektong magpapaganda at magsasaayos ng ating Pamilihang Bayan para sa kapakanan ng lahat ng mga Calumpiteño.

#SulongCalumpit
#MissionLEMpossible
#ElMercadoDeCalumpit

 
source: Lem Faustino