Kahapon ay dumalo tayo sa ipinatawag na pagdinig ng Kongreso hinggil sa isinasagawang dredging operations ng San Miguel Corporation sa iba’t ibang bahagi ng Lalawigan ng Bulacan kaugnay ng pagresolba sa deka-dekada nang problema ng pagbaha sa probinsya at sa napipintong pagbubukas ng Bulacan Airport.

Kasama natin sa isinagawang pagdinig sa Kamara ang mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan at mga pinuno ng iba’t ibang mga bayan at lungsod ng Bulacan. Ang pagpupulong na ito ay maituturing nating isang malaking hakbang upang maisulong ang ating misyon para sa mga Calumpiteño na masolusyonan ang taun-taong pagbaha sa ating bayan at buong probinsya.

Nagpapasalamat po tayo sa lahat ng mga kongresista na nanguna at dumalo sa napakahalagang pagpupulong na ito upang masolusyonan ang problema natin sa pagbaha sa Bayan ng Calumpit at sa buong probinsya ng Bulacan, sa pangnguna ng ating Iginagalang na kongresista, Bulacan’s First District Representative, Danny A. Domingo; San Jose Del Monte, Bulacan Lone Congressional District Representative, Florida P. Robes; Bulacan Second District Representative, Augustina Dominique C. Pancho; Bulacan Third District Representative, Lorna C. Silverio; Bulacan Fourth District Representative Linabelle Villarica; Bulacan Fifth District Representative Ambrosio Cruz; at Bulacan Sixth District Representative Salvador “Ador” Pleyto.

Pinapasalamatan din natin ang ating mga nakasama sa pagdinig na ito ng Kongreso kabilang sina SMC Vice President for Technical and Operation, Jimmy Lu; at mga kapwa natin lingkod-bayan na sina Hagonoy Mayor Baby Manlapaz; Meycauayan Mayor Henry Villarica; Bulacan Councilor, Benjo Cruz; DPWH District Engineer, Henry Alcantara at DPWH Assistant Regional Director, Domingo Villasenor.
Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat.

#SulongCalumpit
#MissionLEMpossible

source: Lem Faustino