Lubos po ang pasasalamat at kagalakan ng mga Caumpiteño at mga bumubuo ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit, sa pangunguna ng ating Mayor Lem Faustino kay Senator Risa Hontiveros sa paglulunsad ng “Liwanag at Lingap Medical Mission” sa ating bayan.

Sa naganap na medical mission, nagkaloob ng libreng mga gamot, konsultasyon at laboratory tests ang tanggapan ni Senator Risa para sa ating mga kababayan. Napakalaking tulong ng serbisyong ito sa ating programang pangkalusugan na “Life First” na ipinatutupad natin kabilang ang ating libreng dialysis treatments, tuloy-tuloy na medical assistance, pagsasaayos ng ating Dialysis Center at Calumpit District Hospital at iba pa.

#SulongCalumpit
#LifeFirstCalumpit

 
source: Lem Faustino