October 10, 2023
 
REHABILITASYON NG AQUACULTURE FARMS SA BAYAN NG CALUMPIT, SISIMULAN NA.
 
Sa pakikipagtulungan ng ating Mayor Glorime “Lem” Faustino at Calumpit Municipal Agriculture Office Head sa Bureau of Aquatic Resources – Region 3 at Panlalawigang Tanggapan sa Pagsasaka ng Bulacan ay masisimulan na ang rehabilitasyon ng ating mga aquaculture farms. Matatandaang malaking bahagi ng ating mga palaisdaan ang nasalanta ng Bagyong Karding noong 2022.
Bilang panimula ay namahagi tayo ng mahigit 201,887 na piraso ng mga iBESt tilapia fingerlings sa 26 na benepisyaryo natin mula sa Barangay Gugo, Meyto at Panducot.
Nais nating magpasalamat sa lahat ng mga tumulong sa atin sa pagsasagawa ng proyektong ito lalo na sa mga opisyal sa sektor ng agrikultura sa ating Probinsya ng Bulacan. Maraming Salamat po! 🧡🧡🧡