naganap ngayong araw sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit at ng mga pangulo ng mga samahan ng mga senior citizens dito sa ating munisipalidad. Nakakataba po ng puso na makamusta at makadaupang-palad ang ating mga senior citizens na Calumpiteño.
Sa naganap na pagpupulong kanina, tinalakay natin sa kanila ang mga problema ng ating bayan sa pagbaha, sa mga isinasaayos na kalsada at benepisyo para sa mga nakatatandang mga Calumpiteño. Iniulat din natin sa kanila ang mga proyektong nagawa at isasagawa ng ating Pamahalaang Bayan sa kasalukuyan. 🧡🧡🧡