SERBISYONG MULA SA PUSO SA BARANGAY STA. LUCIA. ­čží
 
Tuloy-tuloy ang ating “Serbisyong Mula sa Puso” People’s Day sa Barangay Sta. Lucia kung saan muling nagtungo at namahagi ng medical at financial assistance ang ating Mayor Lem Faustino sa unang batch ng ating mga kababayan dito. Layon nitong ihatid at ilapit ang mga programa at serbisyong may puso ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit diretso sa bawat Calumpite├▒o nang sa gayon ay hindi na natin kailangang mapagod at mamasahe patungo sa ating munisipyo.
 
Hindi ito ang una at huling People’s Day sa Barangay Sta. Lucia dahil layunin nating mahatiran ng tulong ang lahat ng mga kababayan nating nangangailangan at titiyakin nating wala tayong pipiliin sa mga benepisyaryo ng ating mga programang pinopondohan mula sa buwis ng ating mga mamamayan.
 
 

serbisyong mula sa puso "peoples day sa barangay"