SERBISYONG MULA SA PUSO SA SERGIO BAYAN. 🧡
 
Katuwang buong Sangguniang Barangay ng Sergio Bayan, matagumpay nating nailunsad ang unang batch ng ating “Serbisyong Mula sa Puso” People’s Day sa Barangay ngayong araw upang direktang makapagbigay ng tulong sa ating mga kababayan.
 
Layunin ng ating pag-ikot at pagbaba sa iba’t ibang mga barangay sa buong Bayan ng Calumpit ay direktang mailapit ang serbisyo ng ating gobyerno para sa ating mga mamamayan at hindi na nila
kakailanganin pang gumastos at makipagsapalaran sa init ng panahon para lamang humingi ng tulong sa ating munisipyo.
 
Patuloy na makatanggap ng mga bagong balita at anunsyo mula sa ating Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng pag-FOLLOW sa ating official Facebook page.
 
 

serbisyong mula sa puso "peoples day sa barangay"