SERBISYONG MULA SA PUSO SA SAN MIGUEL. ­čží
 
Sa pagpapatuloy ng ating “Serbisyong May Puso” People’s Day ng ating Mayor Lem Faustino at ng ating Sangguniang Bayan kasama ang ating Vice Mayor Zar Candelaria at magigiting na mga konsehal ng Bayan, nakapag-abot din tayo ng financial assistance sa unang batch ng ating mga benepisyaryo sa ating mga kababayan sa Barangay San Miguel.
 
Sa ating mas pinalakas na pagkakaisa at pagmamahal para sa isa’t isa, unti-unti nating naaabot ang ating mga kababayang Calumpite├▒o upang maipadama ang ating serbisyong may puso at pagkalinga para sa ating kapwa. Sa pamamagitan ng programang ito, direkta nating nakakasalamuha ang ating mga ka-barangay na hindi na nila kakailanganin pang magpagod at gumastos para humingi ng tulong sa ating munisipyo.
 
Tunay na sa pagkakaisa ng ating mga lingkod-bayan at ng ating mga kababayan ay mas marami tayong magagawang maganda at positibo para sa pagsusulong ng pagbabago at pag-asenso sa bawat isang Calumpite├▒o.
 
 

serbisyong mula sa puso "peoples day sa barangay"