SERBISYONG MULA SA PUSO SA PALIMBANG. ­čží
 
Ang unang batch naman ng mga kababayan natin sa Barangay Palimbang ang nakatanggap ng tulong mula sa ating Mayor Lem Faustino at mga miyembro ng ating Sangguniang Bayan sa naganap na “Serbisyong Mula sa Puso” People’s Day sa Barangay nitong Biyernes.
 
Bukod sa layuning ihatid nang direkta sa mga Calumpite├▒o ang suporta upang hindi na nila kakailanganing magpagod at gumastos para humingi ng tulong sa ating munisipyo ay nais nating ipadama at maibalik sa ating mga kababayan ang pondong mula sa buwis na kanilang pinaghirapan.
 
 

serbisyong mula sa puso "peoples day sa barangay"