SERBISYONG MULA SA PUSO SA CORAZON. ­čží
 
Tinungo natin ang ating mga kapwa Calumpite├▒o sa Barangy Corazon para sa paglulunsad ng unang batch ng ating “Serbisyong Mula sa Puso” People’s Day sa kanilang pamayanan upang direkta natin sila makamusta at maabutan ng tulong pinansyal mula sa ating Pamahalaang Bayan ng Calumpit.
 
Ang layunin ng ating People’s Day ay upang hindi na pahirapan at hindi na gumastos ang ating mga kababayan upang pumunta sa munisipyo para sa tulong mula sa ating pamahalaan. Ang pondong ginamit natin sa programang ito ay mula rin sa buwis na nakokolekta natin sa ating mga kababayan na ibinibalik at ipinadadama natin sa mga Calumpite├▒o.
 
 

serbisyong mula sa puso "peoples day sa barangay"