SERBISYONG MULA SA PUSO SA BARANGAY CALIZON.
 
Muling nagtungo ang ating Mayor Lem
Faustino sa mga barangay sa Bayan ng Calumpit ngayong araw upang personal na ihatid ang financial and medical assistance para sa mga first batch beneficiaries na nangangailangan ng tulong sa Barangay Calizon.
 
Sa ating isinagawang “Serbisyong Mula Sa Puso” People’s Day ngayong araw ay binigyang-diin natin ang ating walang pinipiling serbisyong may puso para sa bawat isang Calumpiteño. Tiniyak din natin sa mga napuntahan na nating mga barangay na hindi ito ang una at huling pagbaba natin sa kanilang pamayanan upang bigyang daan naman ang iba pa nating mga kababayang hindi pa natin nahahatiran ng tulong. 🧡🫰
 
 

serbisyong mula sa puso "peoples day sa barangay"