SERBISYONG MULA SA PUSO SA BARANGAY BULUSAN. ­čží
 
Sa pagpapatuloy ng pag-iikot ng ating “Serbisyong Mula sa Puso” People’s Day sa Barangay ng ating Mayor Lem Faustino at Pamahalaang Bayan ng Calumpit ay mga kababayan natin mula sa Barangay Bulusan ang hinatiran natin ng financial at medical assistance.
 
Sa unang batch ng ating mga benepisyaryo sa Barangay Bulusan, tiniyak ni Mayor Lem na wala dapat piliin sa mga nangangailangan ng tulong at hindi ito ang una at huling People’s Day sa nasabing lugar. Layon ng programang ito ni Mayor Lem na dalhin direkta mismo sa Calumpite├▒o ang suporta ng gobyerno upang hindi na sila magpagod at gumastos sa pamasahe papuntang munisipyo.
 
 

serbisyong mula sa puso "peoples day sa barangay"