SERBISYONG MULA SA PUSO SA BUGUION. ­čží
 
Nakakataba ng puso ang pa-surpresa na birthday cake ng Sangguniang Barangay at mga pagbati ng mga kababayan natin sa Buguion para sa aking nalalapit na kaarawan na ibinigay nila sa akin sa naganap na “Serbisyong Mula sa Puso” People’s Day sa Barangay kahapon.
 
Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagmamahal at pagsuporta sa ating mga programang layunin ay mailapit ang mga serbisyo ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit diretso sa mga Calumpite├▒o. Makakaasa kayong umpisa pa lamang ito at ipagpapatuloy natin ang ganitong pag-alalay sa ating mga kababayan sa mga barangay upang hindi na nila kakailanganing magpagod at gumastos papunta sa ating munisipyo upang humingi ng tulong.
 
Manatiling updated sa ating mga aktibidad at mga bagong anunsyo mula sa inyong Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng pag-FOLLOW sa ating official Facebook page.
 
 

serbisyong mula sa puso "peoples day sa barangay"