Kaisa ang Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa pagsusulong ng mga karapatan at kapakanan ng mga batang CalumpiteƱo na silang tagapagmana ng ating mga pinagsusumikapang pag-unlad sa kasalukuyan. Kung kaya nakatutuwang makita at mapangunahan ang oath taking ceremony ng mga bagong halal na mga batang opisyal ng ating Children’s General Assembly ng ating Municipal Council for the Protection of Children.


Bilang tagapagmana ng kinabukasan ng ating Bayan ng Calumpit, buong-buo ang suporta ng inyong lokal na pamahalaan sa lahat ng gawain at proyekto para sa pagtatanggol at pagpapaunlad ng ating mga batang mamamayan ng ating bayan. Kinakailangang maihanda sila ng maaga at magabayan upang sa malapit na hinaharap ay maging responsable silang mga mamamayan ng ating bayan.
Congratulations mga anak!

#SulongCalumpit

Ā 
source:Ā Lem Faustino