Tayo po ay dumalo sa panunumpa ng mga Opisyal ng Panlalawigang Liga ng mga Barangay ngayong araw na ginanap sa Edsa Shangrila La Manila. Kasama po natin dito ang aking Ate na atin ding ABC President na si Kapitan Mirasol Faustino – De Vera na nag-iisa at tanging babaeng ABC sa ating lalawigan Bulacan at ang ating SK Federation President GEM Dela Cruz .
Sa pagtitipon po na ito ay nagkaroon na din ng pagpupulong ukol sa Bagong Pilipinas Launching/Kick Off Ceremony at nagkaroon na din ng pagpupulong ukol na din sa Provincial Development and Physical Framework Plan Meeting kasama si Arch Felino “Jun” Palafox, Jr.
Kabilang po sa mga dumalo dito ay ang mga Punong Lungsod at Punong Bayan sa Lalawigan ng Bulacan, mga Presidente ng Liga ng mga Barangay sa bawat Bayan (ABC Presidents), Mga Presidente ng Liga ng mga Sangguniang Kabataan sa bawat Bayan (SK Presidents), DILG ng ating Lalawigan at ang Provincial Administrator Antonette Constantino.
Ang pagtitipon po na ito ay sa pangunguna ng ating masipag na Gobernador na si Gov. Daniel R. Fernando at ang bagong mukha ng Bulacan VG Alex Castro.
 
source: Lem Faustino