Isang karangalan na pangunahan natin ang mass oath taking ng ating mga bagong halal na mga Barangay at Sangguniang Kabataan officials bilang simula ng kanilang panunungkulan sa ating mga pamayanan. Bitbit natin ang pag-asa na ang panunumpa ng ating mga bagong barangay officials ay magsilbing paalala sa ating mga lingkod-bayan ng layunin ng kanilang tagumpay sa nagdaang halalan na paglingkuran ang bawat isang Calumpiteño.
Higit sa panunumpa, hangad natin na ang bawat isang Calumpiteñong lingkod-bayan ay mamanata na iaangat ang dangal ng ating mga pamayanan at Bayan ng Calumpit upang makilala sa buong bansa at buong mundo bilang isang bayan na pinatatag ng bayanihan at matinding pananalig sa Diyos at sa ating mga mamamayan.
 
Sulong Calumpit! Taas Noo, Calumpiteño!

source: Lem Faustino