Nakiisa tayo sa ginanap na ika-32 taunang Pangkalahatang Asembliya ng San Marcos Multipurpose Cooperative at eleksyon ng kanilang mga bagong opisyales para sa taong ito. Suportado ng ating Pamahalaang Bayan ang mga inisyatibang nagpapalakas at nagpapatibay ng ating mga kooperatiba at mga lokal na samahan ng mga Calumpiteño.

Para po sa atin, ang malakas na mga lokal na kooperatiba ay nangangahuluhan ng mas matibay na pagkakaisa ng ating mga mamamayan na nagbibigay serbisyo sa mga higit na nangangailangan nating mga kababayan. Muli, Congratulation sa San Marcos Multipurpose Cooperative at sa inyong mga bagong halal na mga opisyal. 🧡

#SulongCalumpit

 
source: Lem Faustino