October 19, 2023

MARAMING SALAMAT SCG!

Isang karangalan po ang magbigay ng talumpati ngayong araw sa programang “Sharing The Dream” project kung saan namahagi ang kompanyang SCG ng scholarship grants sa mga estudyante mula sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad kabilang ang 94 nating mga mag-aaral sa elementary, high school at college.

Tunay ngang biyaya ang mga kompanya gaya ng SCG na may pangunahing operasyon sa ating munisipalidad na gumagawa ng paraan upang makatulong sa ating mga kababayang Calumpiteño. Panalangin kong dumami pa ang tulad ng SCG na hindi lamang ang kanilang negosyo ang binibigyang pansin kundi maging ang kapakanan ng ating mga komunidad at mga kababayang nangangailangan.

Muli, maraming salamat sa SCG sa pagkakataong ito at sa inyong walang-sawang pagtulong sa mga Calumpiteño! 🧡🧡🧡

 

source: Lem Faustino