March 24, 2023

ABS-CBN News

People participate in the “Longest Boodle Fight” during the start of the two-day Longganisa Festival in Calumpit, Bulacan on Friday to celebrate the town’s 451st founding anniversary. Thousands joined the longganisa boodle fight that reached more than 500 meters, which aimed to allay fears on cases of African Swine Fever (ASF) in various parts of the country. Central Luzon, where Bulacan is located, accounts for more than half of the country’s total hog production. 

source: ABS-CBN

News5Everywhere

Inihilera sa Calumpit, Bulacan ang longest longganisa boodle fight na tinatayang aabot sa 500 meters ang haba. Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-451 founding anniversary ng Calumpit at kauna-unahang Longganisa Festival nito. #News5 | via Thony Arcenal

source: News5Everywhere

GMA Public Affairs Unang HIrit

Ihihilera ngayong araw ang longest longganisa boodle fight!
Iba’t ibang klase ng longganisa na aabot daw sa 500 meters ang haba ang bida ngayong umaga. Makisali na sa salu-salo at alamin paano inihahanda ang binagoongang longganisa. Panoorin ‘yan sa video na ito. | Unang Hirit

source: GMA Public Affairs Unang HIrit

GMANETWORKNEWS

Kauna-unagang Longganisa Festival sa Bulacan, silipin! | Dapat Alam Mo!
Uploaded on Mar 27, 2023 10:59 pm
(Aired March 27, 2023): 

Kamakailan, halos mapuno ang mahabang kalsadang ito ng mga mesa. Sa unang pagkakataon kasi, ginanap sa bayan ng Calumpit sa Bulacan ang kauna-unahang Longganisa Festival! Panoorin ang video.

source: GMANETWORKNEWS

Manila Bulletin

Despite the new cases of African Swine Fever (ASF) in different parts of the country, the local government of Calumpit in Bulacan province held its first-ever Longganisa Festival on Friday, Mar. 24, along Pulilan-Calumpit road. 

The “Calumpit Longganisa Festival 2023,” aims to promote and celebrate their local delicacy. 

The two-day event marked the start of an annual tradition. To kick off the festival, Calumpit residents organized a 500-meter longganisa boodle fight in an attempt to break the current record held by Guinobatan, Albay, who had a 400 and 300-meter longganisa boodle fight in 2017 and 2019, respectively.

(📸Mark Balmores | #ManilaBulletin)

source: Manila Bulletin

Philippine STAR

Residents of Calumpit, Bulacan organize a 500-meter long longganisa boodle fight in celebration of the first-ever Longganisa Festival in the municipality on Friday.
The festival aims to promote and celebrate the local longganisa of Calumpit and start an annual tradition for the town. (Photos by Michael Varcas/The Philippine STAR)
 

CLTV36

BULACAN | Kauna-unahang Longganisa Festival ng Calumpit, gaganapin sa March 24-25

source: CLTV36

‘LOOOOOOOOOONGGANISA’

Aabot sa 500 metro ang longest longganisa boodle fight na inilatag sa Calumpit, Bulacan Biyernes, March 24.

Nasa 400 kilo ng longganisa ang inihain at pinagsaluhan ng mahigit 2,000 katao sa kahabaan ng Pulilan-Calumpit Road.
Layon umano ng pamahalaang bayan ng Calumpit na gumawa ng record at talunin ang longest boodle fight ng Guinobatan, Albay na umabot sa 400 meters noong 2019. | via JM De Jesus & Jhonny Coronel, CLTV36

source: CLTV36

Unang Longganisang Calumpit Festival, idinaos
By: Evelyn Tenorio

Highlight ng kauna-unahang Longganisang Calumpit Festival ang paglalatag ng 514 metrong lamesa para sa idinaos na boodle fight.(Omar Padilla)
CALUMPIT, Bulacan– Idinaos ang kauna-unahang Longganisang Calumpit Festival sa Bulacan.
Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Ika-451 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng naturang bayan.
Ayon kay Mayor Glorime Faustino, layunin ng aktibidad na ganap na muling maipakilala ang Longganisang Calumpit na pamosong produktong likha sa bayan sa mahabang panahon.
Nagsilbing highlight nito ang paglalatag ng 514 metrong lamesa para sa idinaos na boodle fight na pangunahing ulam ay ang Longganisang Calumpit.
Bagama’t maraming mga uri ng longganisa ang maaaring mabili at matikman sa iba’t ibang panig ng bansa, sumikat ang Longganisang Calumpit dahil sa panonoot ng lasa ng bawang, asukal na pula, toyo, suka, asin, pamintang durog at kaunting sili.
Sa kabila ng maraming pampalasa na inihahalo sa giniling na karne ng baboy, hindi masyadong maalat at hindi rin masyadong matamis kaya’t lumalasa pa rin ang linamnam ng laman at taba ng karne.
Base sa mga batayang pangkasaysayan ng National Historical Commission of the Philippines at mga lokal na historyador sa Bulacan, mauugat mula pa noong Kalakalang Galyon ang simulain ng pagkakatuto ng mga sinaunang tagarito sa paggamit ng mga pampalasa sa pagluluto ng mga potaheng karne upang mawala ang lansa.
Matatandaan na kabilang sa mga ruta sa Pilipinas ng Kalakalang Galyon mula taong 1565 hanggang 1815, ang mga kailungan ng Angat sa Calumpit at ang Rio Grande de Pampanga na may bahagi na dumadaan din sa nasabing bayan.
Naging mekanismo ang sinaunang kalakalan upang makapagpalitan ng mga kalakal na pampalasa mula sa Asya at Timog Amerika na may pangunahing ruta sa pagitan ng Maynila sa Pilipinas at Acapulco sa Mexico.
Patunay dito ang pagkakadaong ng isa sa mga barko ng Kalakalang Galyon sa Meyto sa Calumpit, kung saan nagtirik ng Krus ang mga misyonerong sakay nito na naging hudyat ng pagpasok ng Katolisismo sa Bulacan.
Ito ngayon ang kinalalagyan ng sikat na Meyto Shrine ng Calumpit.
Sinundan ito ng pagkakatatag ng parokya at ng pagiging isang bayan ng Calumpit noong Marso 1572. Sang-ayon sa tradisyon ng mga Kastila, naitatatag ang bayan kung kailan naitatag ang parokya at ang kapistahan ng patron nito.
Sa pagkakaugnay ng mga makakasaysayang pangyayari sa bayan, ito ang nagbusod upang maiangkop ang pagdaraos ng kauna-unahang Longganisang Calumpit Festival sa araw na ipinagdiriwang ang pagkakatatag ng bayan.
Sa kasalukuyan, iba’t ibang flavor at luto na ang nagagawa mula sa Longganisang Calumpit sa tulong ng Shared Service Facility na ipinagkaloob ng Department of Trade and Industry sa nakalipas na mga taon.
Mayroon na ring ilang gumagawa ng Longganisa na pasado ang kalidad sa pamantayan ng Food and Drug Administration.

source: Evelyn Tenorio

SMNI Regional

Kalahating kilometro ng longganisa boodle fight sa Calumpit, Bulacan, ibinida
March 24, 2023Admar Vilando

INILUNSAD ng lokal na pamahalaan ng Calumpit, Bulacan ang kanilang kauna-unahang Longganisa Festival na may temang “Isang Panlasa, Isang Pag-asa Calumpitenyo” na sinimulan araw ng Biyernes, Marso 24 hanggang Marso 25.
Ito ay sa kabila ng banta ng African swine fever (ASF) virus na tumama sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Pero, tinitiyak naman ni Calumpit, Bulacan Mayor Lem Faustino sa publiko na ang kanilang ipinagmamalaking longganisa ay ligtas laban sa ASF.
Ito ang dahilan kung bakit hindi na sila nag-atubiling isagawa ang naturang aktibidad.
Ngayong lumalago na ang bayan ng Calumpit matapos ang matinding lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.
Hangad ng alkalde na ma-highlight at mai-promote ang kanilang longganisa na nagsisilbing pride ng lungsod sa mahabang panahon.
Sa unang araw ng “Calumpit Longganisa Festival 2023,” tampok ang longest boodle fight ng lungsod.
Nais nilang mahigitan ang kasalukuyang record ng longest longganisa boodle fight ng Guinobatan, Albay na nasa 300 hanggang 400 meters ang haba.
Kaya naman, isang 500 meters boodle fight ang isinagawa na nilahukan ng iba’t ibang sektor ng bayan partikular na ang mga magbababoy na pangunahing pinagkukuhanan ng materyales sa paggawa ng longganisa.
Umaasa ang alkalde ng Calumpit na ito ang magiging daan ng mga nais pumasok sa paggawa ng longganisa.
Samantala, hindi rin papatalo ang Calumpit, Bulacan pagdating sa turismo.
Iba’t ibang tourist attractions ang maaaring puntahan ng mga Pilipino ngayong summer.
Kung kayat, naghahanda na rin ang pamahalaang lungsod sa posibleng pagdagsa ng mga turista sa kanilang bayan.

source: /smninewschannel.com/kalahating-kilometro-ng-longganisa-boodle-fight-sa-calumpit-bulacan-ibinida/