Mapalad tayo at ang ating mga senior citizens na Calumpiteño dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa buong bansa ay sa ating Bayan ng Calumpit unang inilunsad ang pamamahagi ng Piso Savings Account ng Landbank para sa ating mga pinakamamahal na mga lolo at lola. Ngayong araw, ay pinangunahan ng ating Mayor Lem Faustino ang pamimigay ng mga ATM cards sa unang batch ng 500 Calumpiteño senior citizens na mula sa pondo ng ating Pamahalaang Bayan.
Sa nasabing Landbank Senior Citizens Piso Savings Account ATM cards ipapadaan ang P300 buwanang allowance ng ating mga lolo at lola at maaari na ring pagdepositohan ng kanilang mga mga mahal sa buhay.
 
source: Lem Faustino