Dalawampung pares ng mga pusong nag-uumapaw sa pag-ibig ang ating pinag-isang-dibdib sa ginanap nating ispesyal na “Panata At Pag-Ibig” Kasalang Bayan ngayong Araw ng mga Puso. Hangad natin mula sa Pamahalaang Bayan ng Calumpit ang pangmatagalan, tapat at matibay na buhay mag-asawa ng ating mga CalumpiteΓ±ong bagong kasal na nakasentro sa pananalig at pananampalataya sa Panginoon.

Lagi nating isapuso na ang pagpapakasal ay hindi isang destinasyon kundi isang paglalakbay sa buhay matapos nito. Muli, Congratulations at Best Wishes sa ating mga bagong kasal! 🧑🧑🧑

#PanataAtPagIbig
#NagmamahalMayorLem
#SulongCalumpit

Β 
source:Β Lem Faustino