Tampok sa pagdriwang ng VaLEMtine’s Day ng ating Pamahalaang Bayan ng Calumpit ngayong araw ang pagbibigay natin ng natatanging pagkilala sa ating mga kapwa Calumpiteñong bahagi ng LGBTQIA+ community para sa kanilang pagiging uliran sa pagtulong at pagtataguyod ng kanilang mga pamilya.

Sa pambihirang pagkakataon, layon nating pagpugayan ang ating mga kababayang may piniling kasarian at maipadama sa kanila ang ating pagmamahal sa kanila dahil sa kanilang hindi matatawaran at mahalagang papel, sakripisyo at ambag sa pagpapaunlad hindi lamang ng kanilang pamilya kundi maging ng ating bayan.

Mabuhay ang ating Calumpit LGBTQIA+ Community! 🧡🧡🧡

#IkawNaman
#NagmamahalMayorLem
#SulongCalumpit

 
source: Lem Faustino