Opisyal nating binuksan ang pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan sa Bayan ng Calumpit ngayong umaga sa ating Flag Raising Ceremony na dinaluhan ng ating mga kapwa lingkod-bayan, mga empleyado ng ating munisipyo at mga mag-aaral. Pinarangalan natin ang iba’t ibang mga organisasyon, samahan at mga natatanging babaeng naglingkod sa Bayan ng Calumpit sa mahabang panahon.
Kaisa ng bawat isang Calumpiteña ang buong Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa selebrasyon ng pagkilala sa napakalaking papel at kontribusyon ng mga babae, hindi lamang sa loob ng kanilang mga tahanan kundi sa magandang pagbabago at pag-asenso ng ating mga pamayanan.

Bilang isang babae at ina ng ating Bayan, makakaasa kayong ipagpapatuloy natin ang pagsasaayos at pagsusulong natin ng ating mabuting pamamahala at serbisyong may puso para sa mga Calumpiteño.

#SulongCalumpit
#WomensMonth2024

source: Lem Faustino