October 4, 2023

HONOR OUR TEACHERS.

Nakiisa at nagbigay-pugay tayo sa masaya at makabuluhang pagdiriwang ng World Teachers Day 2023 sa mga guro at opisyal ng Calumpit South District na ginanap sa Calumpit Central School ngayong araw.

Kinikila ng buong Pamahalaang Bayan ng Calumpit ang dakila at hindi matatawarang dedikasyon at kontribusyon ng ating mga guro bilang mga pangalawang magulang ng ating mga kabataan sa paghubog ng kinabukasan ng mga Calumpiteño.

Bilang parangal at pagpupugay sa kanila ay igagawad natin ang Teachers Day cash incentives sa ating mga guro at school principals. Nakapila na din ang iba pang mga magagandang proyekto at programa natin para sa sektor ng ating edukasyon.

Muli, Happy World Teachers Day sa lahat ng ating mga gurong Calumpiteño! 🧡🧡🧡

source: Lem Faustino Official

October 5, 2023
 
OUR TEACHERS, OUR HEROES.
 
Ngayong World Teachers’ Day 2023, nakiisa tayo sa mga guro mula sa Calumpit North District sa pagdiriwang ng kadakilaan at determinasyon ng ating mga alagad ng edukasyon sa pagpapanday ng mas maunlad na kinabukasan ng ating bayan sa pamamagitan ng paghuhubog sa ating mga kabataang Calumpiteño hindi lamang upang maging matalino kundi maging mabuting mamamayan ng ating munisipalidad.
Ang ating mga guro ay maituturing din nating mga bayani sa kasalukuyan dahil sa kanilang tapat at mahusay na paggampan sa sinumpaan nilang tungkulin para sa bansa. Walang maliwanag na bukas na haharapin ang ating bayan kung walang mga gurong gagabay at huhulma sa susunod na henerasyon ng mga Calumpiteño.
Kung kaya’t makakaasa ang ating mga guro na may nakalaang magagandang programa ang inyong lokal na pamahalaan para sa inyo at para sa pagpapataas ng antas ng pagtuturo at ng kalidad ng edukasyon sa Bayan ng Calumpit.
Happy World Teachers Day po sa inyong lahat! 🧡🧡🧡
 
October 9, 2023
 
CALUMPIT PRINCIPALS MEET MUNICIPAL OFFICIALS.
 
Sa pagpapatuloy ng ating selebrasyon ng National Teachers Month ngayong buwan ng Oktubre ay binisita tayo ng ating mga principals na bahagi ng ating Calumpit South District. Masaya po ang buong Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa inyong inilaan na oras at panahon para sa amin ngayong araw. Happy Teachers Month po sa inyo at sa inyong mga faculty members! 🧡🧡🧡
 
 
October 17, 2023

TEACHERS DAY CELEBRATION, HIGH SCHOOL TEACHERS NG BAYAN NG CALUMPIT.
 
Bilang pasasalamat at ating pagkilala sa sipag, at tiyaga ng ating mga guro upang kanilang matiyak na maging mabubuti at mahuhusay ang mga kabataang Calumpiteño ay atin silang kinalooban ng incentives na mula sa ating Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa ginanap nilang Teachers Day Celebration ngayong araw.
Sa ating mga guro, alam po namin na maliit na bagay lamang po iyan kumpara sa inyong mga sakripisyo para sa next generation ng ating bayan. Ganun pa man, ay amin pong sisiguruhin na maikaloob ang nararapat para sa inyo at sa lahat ng ating kababayang Calumpiteño.
Maraming salamat po sa inyong mga buhay na bayani ng ating bayan!