October 17, 2023
 
EDUCATIONAL ASSISTANCE PAY OUT
 
Ngayong araw ng Martes, ika 17 ng Oktubre, 2023, ay ipinamahagi ni Mayor Lem Faustino ang educational assistance para sa 92 mag aaral na may mataas na karangalan sa kani kanilang Paaralan (with honors)
Ngayong taon ay magkakaloob ang Pamahalaang Bayan ng Calumpit ng educational assistance sa 3,000 mag aaral bukod sa iba pang programa na sumusuporta sa mga kabataang Calumpiteño. Tulad ng SPES o Special Program for Employment of Students at iba pa.
Inaanyayahan po namin ang iba pang kwalipikado at nagsumite na ng aplikasyon sa iskolarship program upang pumunta sa aming tanggapan para sa pagpoproseso ng nasabing assistance.