July 19, 2023

TULOY TULOY NA PROGRESO PARA SA CALUMPITEÑO.

Nagdaos ng MOA Signing ang ating lokal na Pamahalaang Bayan at ang Development Bank of the Philippines ngayong araw na ginanap sa conference hall ng ating Munisipyo.
Ang kasunduan sa pagitan ng ating lokal na Pamahalaang Bayan at ng DBP ay indikasyon ng masikhay na pagsusulong ng ating butihing Mayor Lem Faustino sa pagdedevelop ng ating bayan upang makaanyaya ng mga investors na makakalikha ng trabaho at makakapagpataas ng ating tax collection.
Nagpahayag naman ng kasiyahan ang DBP sa nakitang pagkakaisa ng ating mga lingkod bayan sa pangunguna ng ating butihing Mayor Lem Faustino na nagnanais na maisulong ang antas ng kabuhayan ng bawat Calumpiteño. Dahil dito ay kanilang tiniyak na sila ay katuwang ng Bayan ng Calumpit sa pagdedevelop at pagsasaayos ng ating bayan.