Sa tulong ng ating Municipal Agriculture Office at Sangguniang Bayan ay naisaktuparan natin ang dayalogo sa pagitan ng ating Pamahalaang Bayan at mga samahan ng mga mangingisda ng Calumpit upang talakayin ang kanilang mga usapin at kahilingan.

Batay sa nasabing pag-uusap ngayong araw ay napagkaisahang palakasin ang pagpapatupad ng ordinansa ng ating Pamahalaang Bayan kaugnay ng pagbibigay kapangyarihan sa ating mga “Bantay Ilog” upang ibayong mapangalagaan at maprotektahan ang ating mga pangisdaan.

#SulongCalumpit

Ā 
source:Ā Lem Faustino