Kahapon araw ng Sabado ay atin pong isinaayos ang pathwalk sa Pio Cruzcosa Public Cemetery na matagal ng malusak at may tubig. Ito po ay upang maging maayos at safe na madaanan ng ating mga kababayang dadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay sa paggunita ng Araw ng mga Kaluluwa.

Nais po natin na sa mahalagang araw na ‘yun ay mas maging kumportable ang pagdalaw natin sa ating mga yumaong mahal sa buhay.
Paunti-unti ay magiging maayos din ang bayan natin, basta manalig lang po tayo sa Diyos Ama at maging bahagi ng pagsulong ng ating minamahal na Bayan ng Calumpit.

Narito po ang ilan sa kuha ng before, during at after ng ating pinaayos.

source: Lem Faustino