Sa ngalan ng ating Mayor Lem Faustino, mga bumubuo ng ating Pamahalaang Bayan ng Calumpit at Public Employment Service Office (Peso Calumpit) ay lubos tayong nagpapasalamat sa Department of Labor and Employment – DOLE at kay Sen Joel Villanueva sa naganap na cash payout para sa 462 na Calumpiteñong benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) ngayong araw.

Ang mga nasabing benepisyaryo ng cash-for-work program na ito mula sa ating pambansang pamahaan ay nagtrabaho sa kanilang mga komunidad sa loob ng sampung araw mula February 20 hanggang March 1 ngayong taon.

Ayon sa ating PESO Calumpit, masusundan pa ng iba pang mga batches ng programang TUPAD sa mga susunod na buwan kung kaya’t patuloy na umantabay sa mga updates sa pamamagitan ng pag-FOLLOW sa ating official Facebook page.

#SulongCalumpit

 
source: Lem Faustino