Sa naganap na dayalogo kaugnay sa palengke ng ating Bayan ng Calumpit na pinangunahan ng ating Mayor Lem Faustino, Pamahalaang Bayan, Philippine National Police, mga traffic enforcers, Market Officers, mga pangulo ng TODA at mga manininda, nabigyang linaw ang ilang mga usapin kaugnay ng parking at ibang mga isyung may kaugnayan sa ating Pamilihang Bayan.

Sa pamamagitan ng bukas na pakikipagtakayan, pag-uunawaan at sa layuning magkaisa para sa kapakinabangan ng mas nakararami, napagkaisahan ang mga sumusunod na hakbang:

1. Magkakaroon ng isang Customer Parking Area na maaaring mag-park hanggang 30 minutes kada sasakyan at magkakaroon ng karampatang multa at parusa sa mga lalabag dito.
2. Magkakaroon ng LIBRENG PARKING AREA sa Corazon Basketball Court at PAY PARKING AREA sa gilid ng palengke para sa mga manininda at mamimili.
3. Huhulihin ang lahat ng mga colorum tricycles at mga driver na walang lisensya bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaligtasan ng mga pasahero at publiko at upang maiwasan ang laganap na nakawan ng motor at tricycle.
4. Nagtalaga ng TEMPORARY TODA TERMINAL na maaari nang magamit araw-araw kumpara sa dating Martes at Biyernes lamang pinapagayagan.
Ang mga nabanggit na kaisahan ay pinagtulungang mabuo at sinang-ayunan ng lahat ng dumalo sa dayalogo. Tunay ngang walang hindi mapagkakasunduan sa isang payapa at mahinahon na pag-uusap.
Manatili tayong nagkakaisa dahil bukas ang mata, tenga, isip at puso ng ating Mayor Lem Faustino at ng inyong Pamahalaang Bayan para sa hinaing at saloobin ng bawat isang CalumpiteƱo. šŸ§”

#SulongCalumpit

Ā 
source:Ā Lem Faustino