Sa ating paglahok sa ginaganap na “Basic Incident Command System Training” ng ating mga kawani sa Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa pangunguna ng ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (Calumpit Mdrrmo) at Department of National Defense sa Angeles City, Pampanga ay nakiisa tayo sa layunin ng ating pambansang pamahalaan upang gawing mas koordinado at sistematiko ang pagtugon ng gobyerno sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Β 
Sa pamamagitan ng mahalagang pagsasanay na ito, matitiyak natin ang epektibong pagpapagana at ang kahandaan ng lahat ng sangay ng ating lokal na pamahalaan upang mabilisan nating matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayang CalumpiteΓ±o sa usapin ng rescue, relief at rehabilitation.

#SulongCalumpit

Β 
source:Β Lem Faustino