October 5, 2023
Ā 
BACK-TO-BACK-TO-BACK NA BIYAYA PARA SA BAYAN NG CALUMPIT. šŸ§”šŸ§”šŸ§”
Ā 
Matapos ang ibinigay na tag-25 kilos na bigas para sa 1,000 CalumpiteƱong mga benepisyaryo ng 4P’s ay dobleng biyaya naman ang ipinagkaloob sa atin ng Department of Labor and Employment – DOLE ngayong araw. Patunay ito sa patuloy na tiwala at pagmamahal sa ating Bayan ng Calumpit at sa ating mga CalumpiteƱos ng iba’t ibang mga national government agencies.
Sa naganap na palatuntunan ngayong umaga sa Colegio De Calumpit ay ini-award sa atin ng mga opisyal at kinatawan ng DOLE ang P1,000,000 livelihood assistance program sa ating bayan. Layon nitong mabigyan ng hanapbuhay ang ating mga lubos na nangangailangang kababayan.
Bukod sa livelihood assistance ay ibinigay na din ng DOLE ang 40% share ng ahensya para sa mga benepisyaryo ng ating Special Program for Employment of Students (SPES). Matatandaang noong Agosto 2023 ay nai-award na ng inyong Pamahalaang Bayan ng Calumpit ang 60% ng halaga para sa ating mga SPES beneficiaries.
Muli, lubos po ang pasasalamat natin sa DOLE sa napakalaking biyayang ito na ipinagkaloob ninyo sa aming mga kababayan.
Ā