Isa isa na pong isinasakatuparan ang 10 LEMission Possible na inilabas ko noong ako ay nangangampanya pa lamang upang maging Alkalde ng ating Bayan ng Calumpit .
 
At ngayon na tayo ay nasa posisyon na, ay mabilis nating isinasagawa ang mga ito. Isa na rito ang bahagi ng solusyon sa baha, kung saan, pinalitan natin ng mas moderno, malakas at epektibo ang lumang dewatering pump na nasa Brgy Corazon na naglalabas ng tubig baha mula sa mga Barangay Poblacion, Sucol, Corazon at Caniogan patungo sa mga kailugan.
 
Ang pagsasaayos ng lumang pump station ay bahagi pa rin ng ating proyekto na magkaroon ng mas maayos at bagong palengke, kung saan, sa kasalukuyan, ay isa ito lagi sa mga apektado ng pagbaha dahil sa ito ay nakatayo sa Barangay Corazon na may mababang lugar.
 
Patuloy po akong magsisikap at maghahanap ng paraan upang maisakatuparan ng maayos at mabilisan ang mga misyon na aking inilatag sa inyo, bukod pa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat Calumpiteño. At sa atin pong pagtutulungan at pananampalataya sa Panginoon, ang lahat po ng ito ay posible.