October 5, 2023

790 MGA CALUMPITENYONG SENIOR CITIZENS, NAPAGKALOOBAN NG SOCIAL PENSIONS. 

Bilang bahagi pa rin ng ating pagmamahal at pagkalinga sa ating mga senior citizens ay namahagi din tayo ngayong araw ng social pensions sa ating mga nakatatandang Calumpiteño na regular na ibinibigay ng DSWD at ng ating Pamahalaang Bayan sa kanila. Ang tulong na ito ay ating pasasalamat at pagbabalik ng respeto sa kanilang napakalaking ambag sa ating bayan mula noon hanggang ngayon.

 

source: Lem Faustino Official