1,000 4P’s BENEFICIARIES, NABIYAYAAN NG 25-KILOS NA BIGAS MULA KAY PANGULONG MARCOS AT DSWD
 
Lubos po at taos-puso ang ating pasasalamat sa ating Pangulong Ferdinand R. Bongbong Marcos, Jr. at kay Department of Social Welfare and Development Secretary REX Gatchalian para sa ipinagkaloob ng ating pambansang pamahalaan na tig-25 kilos na bigas para sa ating 1,000 na Calumpiteñong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s).
Sa pagbisita ngayong araw ng kalihim ng DSWD, tiniyak natin na kaisa ang buong Bayan ng Calumpit sa magagandang hangarin ng administrasyon ni Pangulong Marcos na mapabuti ang kalagayan ng bawat pamilyang Pilipino at sa paghahanap ng kongkretong solusyon sa pagbaha sa ating bayan.
Hindi natin makakalimutan ang mga biyayang inihahatid sa atin ng ating mga national government agencies at ipinapaabot natin ang ating walang hanggang pasasalamat sa kanilang pagbibigay ng ispesyal na atensyon sa Bayan ng Calumpit at kapakanan ng bawat Calumpiteño. 🧡🧡🧡