Kasama ang mga taga-DSWD at MSWD-OSCA ay muli nating pinuntahan ang ating centenarian na lola mula sa Barangay Panducot na si Lola Virginia Pangilinan upang personal na iabot ang Certificate of Recognition at P100,000 na bahagi ng mga ipinagkalaloob natin sa ating mga centenarian o mga kababayang umabot sa edad na 100.


Bilang lumaki na sobrang malapit sa aking mga lolo at lola, napakahalaga sa akin ang kapakanan ng ating mga senior citizens dahil sila ang pinagmulan ng dakilang lahi nating mga Calumpitenyo at dahilan ng pagpapatuloy ng ating henerasyon sa kasalukuyan. Panalangin ko ang patuloy na mabuting kalusugan ni Lola Virginia at lahat ng mga lolo at lola sa buong Bayan ng Calumpit. Mahal ko po kayong lahat!